Photo by Edward Ganal, ABS-CBN |
Sayang naman ang preparation ko. Ilang araw na nga akong 'di makatulog iniisip ko lang na makikipagbanggaan ako kay idol Justice Serafin Cuevas. Kaya nga ako nag-volunteer na maging private prosecutor for this chance to be part of history. Pro bono 'to brod. I just want my chance at the bright lights, at history.
Hindi ba nila alam ang pangalan ko? Vitaliano... Vital... Important... Something you can't live without. Hindi ito tanong at sagot at the same time... Vital? Aaahh...no.
Hasa na ako sa ganitong tagisan ng bangis sa korte. 'Di gaya nitong mga bagitong prosecutors na magaling lang magsalita kapag reporter ang kaharap pero nanliliit kapag si Idol Cuevas at mga judges na ang bumabanat.
And to think I had to sit through weeks of listening to our side getting lectures from these Senator Judges who think they are better just because it's their turf. Nasa home court lang kayo kaya kayo matapang.
Namumuro na 'tong mga to sa akin. Pag hindi ako nakatiis...
Oh, ano naman 'tong pinapakawalan ni Miriam? Huwag mo nang ulitin na inatras nitong mga gunggong na 'to ang chance ko para matutukan ng camera. Mabigat na nga ang loob ko, dadagdagan mo pa!
Pumunta ka na lang kaya sa Netherlands, dun ka magpuputak. Tignan natin ang tapang mo doon. Ayaw ko nang maaakkkiiiinnniiiiggg!
OO NA NGA!!! La-di-da-di-da-di-da!
Happy thoughts, Vitaliano... happy thoughts.
See no evil, Vitaliano. Hear no evil. Breathe in... breathe out. You are better than this, Vitaliano. This too, will pass.
Buti na lang maganda ang training ko sa asawa ko kapag tumitirada na ito nang kana-nag sa akin. Yes tapos na!
Sige na po Senator Enrile, ipa-announce mo na na sa March 12 na tayo magkita-kita ulit. We all need a break and I have to get back to my private practice so I can afford this pro bono job.
Yes, Senator Estrada? Did I cover my ears while Senator Santiago was speaking? Of course I did. Can't a guy who lost his chance at the limelight get some R-E-S-P-E-C-T around here?
Well, she was asking for it. Nagmukha na nga akong tangang ilang linggong nakatunganga dito tapos le-lektyuran pa ako? No way, Jinggoy!
That's right, Senate President... suspend the session so Madame Miriam can confront me.
Yes Madame, no madame... I'm not saying I'm better than you. I'm just protecting my ears from the shrill of your voice. Only my wife can do that to me.
Sure, cite me for contempt if you wish. Oh no, I'm not saying sorry. After all that I went through? No way.
Waaah your face!
No comments:
Post a Comment