From beonline.com.ph |
Bakit ba pa-jads-jads pa? Di ba lahat naman tayo ay may kasalanan? Sabi nga nila, kung sino ang malinaw ang mata at matuwid ang pukol, siya ang unang bumato. Eh, kaya nga ako may salamin eh, para masipat ko nang maigi ang akusado. Yun nga lang, ayoko namang mapahiya dahil hindi ko naman alam ang kailangang ipukol - bato ba o tinapay? Eh, di ba nasasabi din sa Koran kung batuhin ka ng bato, umilag ka at batuhin mo din sya ng tinapay? Mas mahusay sana kung may palaman na - yung egg sanwits - para kung gutom ang kalaban mo, ay may makakain siya nang masustansiya. Ohh, eh di peace na kayo?
Tsaka 'di ko naman linya ang batuhan. Nakilala nga ako sa pelikula bilang mahusay sa gatilyo. Aba, kung napanood niyo lang ang mga klasik ko na Leon Guerrero at Julio Valiente, 'di mabilang ang mga napatay kong masasamang tao. Sa sobrang dami nga eh binubuhay namin yung ibang extra at pinapatakbo ng patalikod para mabaril ko naman sa tagiliran. Kung hindi mo pa nakita pahiramin kita ng betamax copy ko. Wala akong dibidi, napi-pirata kasi yon. At lis, ito orig.
Ekspert ako dyan sa barilan. Gusto ko nga sanang i-sages sa ating militari yung mga teknik ko sa pagbaril para malupig na lahat ng mga kaaway ng kapayapaan. Eh di ba magaling magtago ang mga kaaway? Aba, kung ang mga sundalo natin ay matuto nung tinatawag na plesing -- yung bang aasintahin mo ang bato, pader o bakal na maaaring pagtalbugan ng bala sa nagtatagong kaaway. Pihadong sapul ito. Kung medyo bihasa ka na nga e na gaya ko, maari ka pa ngang mamili kung saan mo patatamaan -- sa ulo ba, sa pagitan ng mata, o di kaya sa hawak niyang baril para ma-disarma na lang. Nasa anggulo lang yan, parang karambola sa bilyar. Mahusay dyan ang cabalen kong si Hepren. Sigurado ako, pag na-master ng ating mga kawal yun, wala ng makakapagtago na kaaway.
Eh kung iisa na lang ang bala at dalawa pa ang kaaway? Dapat may baon ka laging punyal. Napanood niyo ba yon? Klasik yon ha, nahirapan akong isipin yung eksena na yon. Ilalagay mo yung talim sa harap ng butas ng baril, itutok ang baril sa gitna ng dalawang kaaway, kalabitin ang gatilyo -- bang. Patay. Patay. Tipid sa bala di ba?
From vidoemo.com |
From jmthebest.com |
Uminit nga yung ulo ko ng maigi, gusto ko tuloy sila masampolan nung tinatawag na pompyang, yung bang kakalembangen mo nang parehong palad mo ang tig-isang tenga ng kaaway mo, tapos bibigwasan mo ng kaliwa na magpapatilapon sa kanya kung saan may mesa na maari mong talunan na naka-landing ka sa tuhod mo, sabay bigwas ng kanan at mapa-padpad ang kalaban mo sa may puno na may leter-Y na sanga, kung saan mo idudungaw ang iyong mukha na kagyat naman uumangan ng suntok ng damuhong na kaaway mo, na iyo namang iilagan at sasaluhin ng kamay ang kanyang kamao, samantalang ang isa mong kamao ay dadapo sa kanyang bodega -- uugghh! At siya ay tutumba. At may tatakbo sa iyong magandang dalaga na nakadamit na puting seda na bakat nang kaunti ang suot niyang tangga, tapos kayo ay maghahalikan at magyayapusan.
Sino bang mag-aakala na ang isang anak ng labandera ay magiging senador na gaya ko. Ako nga, ang alam ko eh sasamahan ko lang ang cabalen kong si Madam Gloria sa pagkamay sa mga tao sa buong Pinas, sabi niya kasi mga nakapanood lahat sila ng mga pelikula ko, pans ba. Eh dapat lang naman akong personal na magpasalamat, di ba? Yun pala eleksyon. Sa susunod, di na ko tatakbo sa senado. Ayaw ko na 'tong ganitong may impitsment, 'di ako makatulog, ang dami kayang kamerang nakatutok. Siguro, preseden na lang. Ay, bays preseden na lang muna, baka sabihin nila masyado akong ambisyoso, wala yata akong pelikulang ganon. Ayaw ko namang manloko ng tao.
From pinoyparazzi.com |
Sana nga magsuntukan na lang si Preseden Noynoy at si Tsip Jastis, para malaman kung sino ang totoong matapang. Eh 'di pag natumba ang isa, eh di kwits na.
I'd love to hear what you think of this article. Please leave a comment or a reaction. Thanks!
No comments:
Post a Comment